Taludtod ng Karagatan: Malikhaing Pagpapahayag ng Karanasang Pandagat
- museomaritimo

- 12 hours ago
- 1 min read

September 2, 2026 – Pasay City, NCR, Philippines
Artikulo ng AIMS Museo Maritimo Team
Ipinagdiwang noong Agosto ang Buwan ng Wikang Pambansa at Buwan ng Kasaysayan. Ang AIMS Museo Maritimo naman ay naglunsad ng aktibidad na pinamagatang "Mga Taludtod ng Karagatan" kung saan maaaring magpasa at magbahagi ng mga tula ang mga tagasubaybay ng museo.
Nagkaroon ng pagkakataon ang mga kalahok na maipahayag sa anyo ng tula ang kanilang mga saloobin, karanasan, at pananaw tungkol sa buhay ng isang mag-aaral ng Araling Pandagat, karanasan bilang mandaragat, pangingisda, paglalakbay sa barko, mga anyong tubig, at iba pang usaping may kaugnayan sa karagatan. Sa bawat taludtod, naipakita hindi lamang ang kagandahan at lawak ng karagatan kundi maging ang mga hamon, pangarap, at karanasang kaakibat ng buhay na malapit sa dagat. Higit pa sa isang gawaing pampanitikan, nagsilbing espasyo ang "Mga Taludtod ng Karagatan" upang pag-ugnayin ang wika, kasaysayan, at pamana ng pandagat.
Narito ang mga tulang ibinahagi ng mga lumahok sa aktibidad ng museo:







Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi sa “Taludtod ng Karagatan” at sa mga nagbahagi ng kanilang mga tula. Ang inyong mga salita ay bahagi ng patuloy na paglalayag ng ating mga kuwento at pamana mula sa karagatan patungo sa susunod na salinlahi.



Comments