Ang Pagdalo ng AIMS Museo Maritimo sa "Panagriing: The Closing Conference of the 125th anniversary of Philippine Independence and Nationhood"
- museomaritimo

- May 28
- 2 min read

Mayo 28, 2026 – Pasay City, NCR, Philippines
Isinulat ng AIMS Museo Maritimo Team
Noong Mayo 25-26, 2026, ginanap sa Ayala Museum, Lungsod ng Makati ang "Panagriing: A Nation Still Rising - The Closing Conference of the 125th Anniversary of Philippine Independence and Nationhood 2023-2026". Ang kumpirensiya ay tungkol sa ika-125 na anibersaryo ng ating kalayaan at pinangasiwaan ito ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas o National Historical Commission of the Philippines (NHCP) at nilahukan ng mga historyador, mga guro sa Kasaysayan at Araling Panlipunan, at mga kawani ng iba't-ibang tanggapan ng pamahalaan.
Sa unang araw ng kumpirensiya, nagkaroon ng pagtalakay sa mga pagkilos ng mga Pilipino upang makamit ang ating kalayaan at pagkabansa. Tampok sa unang sesyon ang mga naganap sa Luzon partikular sa Cavite hanggang Isabela at ang pagkakadakip kay Heneral Emilio Aguinaldo noong 1901 sa Isabela. Sinundan ito ng pangalawang sesyon na tumatalakay sa lokal na kasaysayan ng ilang bahagi ng Visayas, partikular sa Cebu, Iloilo, Samar at Leyte sa panahon ng Himagsikan at Philippine - American War. Ang pangatlong sesyon naman ay tungkol sa kalagayan ng ilang bahagi ng Mindanao noong Himagsikan.

Pagdating sa pangalawang araw ng kumpirensiya, nagkaroon ng pagtalakay sa mga gawaing diplomatiko sa unang sesyon partikular ang mga aktibidad ng Hongkong Junta, ang Kadatuan Diplomacy ng mga taga-Mindanao at Diplomasya sa panahon ng transisyon. Sa pangalawang sesyon, natalakay ang Alyansa ng mga Bikolano at Tagalog sa Bicol noong 1899-1901. Sumunod naman dito ang pagtalakay sa pamumuno ni Heneral Miguel Malvar sa mga matapos madakip si Aguinaldo ng mga Amerikano noong 1901. Sinundan naman ito ng pangatlong sesyon tungkol sa Public Historiography na binuksan ng talakayan tungkol sa mga Revolutionary Symbols. Nagkaroon din ng pagtalakay sa Kasaysayan ng mga Diorama ng Ayala Museum at papel ng Filipinas Heritage Library bilang pook na nagsusulong din ng tungkol sa Kasaysayan at Pagkabansa ng Pilipinas. Nagkaroon din ng pagtalakay si National Artist for Dance Ms. Alice Reyes tungkol sa Sayaw ng Pilipinas at pag-uugnay nito sa Kasaysayan ng bansa.




Comments